Wednesday, February 16, 2011

Pabango ng iyong mata (ang piiiiiiiinaaaaaaaaaakaaaaaaaaaa ma-kesong blog para sa kanya)

Hay.

Masarap tumitig sa kawalan kapag ikaw ay nasa gitna ng trabaho at nauurat ka na sa dami ng gagawin. Nakakatanggal ng bigat sa balikat, kahit papaano.

Habang nakatitig sa dako paroon, daglian siyang sumagi sa aking kamalayan.

Ang nag-iisang taong aking sinisinta.

Matagal-tagal na din akong di nakakagawa ng kanta para sa kanya. Marahil dahil para din akong kotse, nauubusan din ng gasolina. Parang baril na nauubusan ng bala. Sa kadahilanan din na ayoko maging paulit-ulit na lang ang tema ng mga nagagawa kong kanta. Baka bigla siyang magsawa.

Mahirap din mag-isip ng kung paano ko maipapahiwatig ang aking nadarama ng lubusan (at dahil sa paggawa lang ako ng kanta nakaangat.) Pero, sa gitna ng aking pag-aagam-agam, isang magandang ngiti mula sa kanya na di naman kalayuan ang pagitan namin ang pumukaw sa aking baluktot na papanaw ukol sa pag-ibig.

Madami na din ang dumaan at umalis sa aking buhay (pesteng yan.) at hindi pinalad na tumagal. Maari din na ako ang sanhi ng lahat ng iyon, subalit nang siya na ang dumaan sa king buhay, hindi niya ako nilagpasan bagkus ay tumigil siya sa aking piling. Binuhay niya ang aking natutulog na mundo, may sampung buwan na ang nakakalipas.

Masaya pa rin ako at humihinga pa ko, dahil madami pa akong mga balak kasama siya.



(dumugo ba ang ilong mo? ipagpumanhin mo ang aking matatas na pananagalog.)

2 comments:

  1. Talo mo pa ang One More Chance at Amnesia Girl sa sobrang pagka-CHEESY ng blog mo... hehe.. ako'y nagagalak at natutuwang makita na nabago niya ang pananaw mo sa buhay!

    ReplyDelete
  2. maraming salamat aking kaibigan. tama ang iyong sinabi, nabago niya ako kahit papaano. :)

    ReplyDelete